Current Mood: 
nasilayan ang araw
Current Music: forest gamp
itong alon sa dagat tulad ng ating buhay
kung minsan ay tahimik kung minsa'y magalaw
ganyan ang ating buhay kung mayroong kalungkutan
paglipas ng hilahil mayroong kaligayahan
itong alon sa dagat itulak man ng hangin
hindi makalampas sapagkat mabuhangin
kahit may suliranin awa ay dumarating din
upang ito'y bathin at ito'y ating lutasin
itong alon sa dagat tinig na tumatawag
habang naghahayuma o namamalakaya
lambat ng aking buhay maaari bang iwanan
upang mamalakay ng taong iyong hirang
humayo ka sa laot ng ating kalawakan
ang lambat ay ihulog sa dakong kalaliman
sa iyong salita at kung ika'y kapiling
mga alon sa dagat ay hulihin.
inang dagat na nagluluwal ng araw sa bukang liwayway
sa iyong sinapupunan natututlog ang daigdig.
gisingin mo ito sa yapos ng mga alon at halik ng hangin,
hawak mo sa iyong mga palad ang mga bangka sa laot ,
sa iyong kumpas aabay ang mga ito,
sa iyong mga nilalang sa kalaliman.
o huwag mong limutin ang iyong mga anak , dakilang karagatan.
bigyan mo kami ng aming kakain
at karampatang parusa kung kami'y nagkakamali.
kung kami'y mamatay, kupkupin mo rin
ang aming bangkay.
dakilang karagatan,
ikaw na pumapatay sa apoy ng araw
sa paglapit nito sa iyong dibdib,
o karagatang makapangyarihan,
mangyari ang iyong utos sa alon,
ang iyong hilinh sa hangin.
siya nawa.
mula sa lupa, babalik ka rin sa lupa.
mula sa dagat, babalik ka rin sa dagat.
mula sa langit, isang dalit.
Ang putik ay lupa at tubig.